DepEd supplier na bigong matupad ang kontrata para sa Last Mile Schools Program, dapat papanagutin

Iginiit ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong sa Department of Education (DepEd) na panagutin ang mga supplier na nabigong matupad ang kontrata para sa Last Mile Schools Program o LMSP sa ilalim ng adminstrasyong Duterte hanggang sa pamunuan ni Vice President Sara Duterte.

Hiling ito ni Adiong, makaraang lumabas sa budget hearing ng House Appropriations Committee na 50 porsyento lang ng P20.54 bilyong pondo sa naturang programa ang nagamit.

Layunin ng LMSP na punan ang gap o kakulangan ng mga eskuwelahan na nasa mga bundok at isla sa pamamagitan ng pagpapaganda sa kanilang mga silid-aralan at iba pang imprastraktura, lalo na ang mga walang kuryente.


Subalit nakakadismaya ayon kay Adiong na atrasado ang naging pagmamahagi ng kagamitan sa ilalim ng programa gaya ng computer set kaya diin nya marapat kasuhan ng deped ang mga supplier na hindi nakatupad sa kanilang obligasyon.

Sa budget hearing ay binaggit naman ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III sa tatlong contactor na napili para sa LMSP, isa lang ang naka-abot ng 95% ng kanilang trabaho habang ang dalawang contractor, kasama na ang dapat gagawa sa Mindanao ay hindi nakatupad sa kontrata.

Facebook Comments