DepEd, target maabot ang Guinness World Record para sa may pinakamaraming bilang ng TV episodes na magagawa 

55

Posibleng sumali ang Department of Education (DepEd) para sa isang Guinness World Record para sa paggawa ng pinakamaraming bilang ng television episodes na ipapalabas sa kanilang channel. 

Ayon kay Education Information and Communications Technology Service (ICTS) Director Abram Abanil, nais ng kagawaran na maabot ang sarili nitong record sa dami ng TV episodes na magagawa sa loob ng maikling panahon. 

Aniya, wala pang grupo sa mundo ang nakakagawa ng 130 videos sa loob lamang ng maikling panahon. 

Target ng ahensya na makagawa ng 130 TV episodes kada linggo, o higit 500 videos sa loob ng isang buwan. 

Sa ngayon, ang production ng educational episodes para sa DepEd TV ay kasakuluyang umuusad. 

Facebook Comments