DepEd, tinabla ang mga hirit na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi na kakayanin pa ng bansa na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase dahil sa mga posibleng maidulot nito sa pag-aaral ng mga bata at kabuoang sistema ng edukasyon.

Nabatid na ang lahat ng public schools ay nakatakdang magbukas sa October 5.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pumili ng petsa ng pagbubukas ng klase.


Aniya binigyan nila ang Pangulo ng tatlong date na pagpipilian: August 24, September 7 o October 5 kung saan ang huli ang kanyang pinili.

Muling iginiit ni Briones ang learning continuity plan lalo na at ang Pilipinas ang pinakahuling bansa sa Southeast Asia ang magbubukas ng klase.

Nagbabala si Briones na posibleng mawalan ng interes ang mga bata sa pag-aaral kung patuloy na i-aantala ang edukasyon.

Facebook Comments