DepEd, tinanggap ang apology ng World Bank

Pormal na kinilala ng Department of Education (DepEd) ang apology na inilabas ng World Bank (WB) na may kinalaman sa paglalabas ng report ukol sa mababang learning outcomes ng mga Pilipinong estudyante.

Matatandaang inihayag ng WB na hindi nila sinasadyang ilathala ang report na hindi nakapagbigay ng input ang DepEd hinggil dito.

Sa statement, sinabi ng DepEd na patuloy ang mga isinasagawang reporma sa kalidad ng basic education level.


Sa tulong ng mga partners, sinisikap ng DepEd na resolbahin ang mga problemang dumikit na sa sistema ng edukasyon.

Facebook Comments