Tinawag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na mapanlinlang at malisyoso ang lumabas na balita sa isang newspaper na 70,000 na mga magaaral sa Bicol Region ay Hindi marunong magbasa sa English at Filipino.
Ayon Kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi tama na ibalita ang isang impormasyon na hindi man lang na beripikado.
Ang inalibas na Ulat ng Inquirer anya ay hindi para sa pangkalahatan kun di ito ay para sa isang guro lamang upang malaman kung anong pamamaraan ang gagawin nito para tulongan ang bata na matuto sa pagbabasa.
Hindi naman daw niya ikinakaila na may mga pagkukulang ang education system sa bansa.
Kaya anya ay gumamagawa sila ng mga paraan at mga programa upang masulosyunan ito.
Iginiit rin niya na ang Phil-IRI ay hindi maaring gamitin na sukatan sa mga hindi at marunong magbasa para sa pangkalahatan.