DepEd, tiniyak ang accountability matapos madiin ang ilan nilang opisyal sa overpriced laptops

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang accountability matapos idiin ng Senate Blue Ribbon Committee ang ilan nilang opisyal sa overpriced na laptops.

Inihayag ito ni DepEd Spokesman Atty. Michael Wesley Poa, kasunod ng rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Education Department at Budget Department.

Partikular ang pagsasampa ng mga kasong kriminal, sibil at administratibo dahil sa pagbili ng overpriced na laptop noong pandemya.


Sinabi ni Poa na sa ngayon ay hindi pa malinaw sa kanila kung sino sa incumbent officials ng DepEd ang pinakakasuhan ng mga senador.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng DepEd ang transparency na kanilang pinaiiral sa tuwing may mga bibilhin silang kagamitan sa mga paaralan.

Kabilang aniya sa plano ng Education Department ang pagsasagawa ng live streaming sa kanilang procurement process para matiyak ang transparency sa mga transaksyon ng departamento.

Facebook Comments