DepEd, tiniyak na bukas ang kanilang ahensiya sa paggamit ng mga public school bilang quarantine area ng mga COVID-19 patients

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na bukas ang kanilang ahensiya na tumulong sa pamahalaan kaugnay sa paggamit ng mga public schools bilang quarantine area ng mga COVID-19 patients.

Pero ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, kailangan ang mismong Local Government Units (LGUs) ang makipag-ugnayan sa DepEd Regional Directors.

Dapat kasi ito ang magpatunay na walang ibang lugar sa bansa na pwedeng gamitin bilang quarantine area kundi ang mga eskwelahan.


Maliban sa mga LGUs, sinabi ni Sevilla na may inihanda rin silang regulasyon at kundisyon para sa DOH sakaling mapili ang DepEd bilang qurantine area.

Facebook Comments