DepEd, tiniyak na gumagawa ito ng paraan upang lalong palakasin ang literacy program sa bansa

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na gumagawa ito ng paraan upang mas lalong palakasin ang literacy program ng bansa.

Ito ay sa harap ng 2024 Functional Literacy Education and Mass Media Survey na sinasabing 79 percent na mga senior high school graduates sa bansa ang functional literate habang nasa 21 percent ang hindi marunong mag basa at makaunawa.

Sinabi ng DepEd na lalo nitong patitindihin ang mga intervention—mula sa remedial at literacy programs, hanggang sa mas epektibong paggamit ng datos sa bawat paaralan.

Nilaliman na rin ng DepEd ang teaching at assessment method at sa halip na memorization, hinuhubog din ng DepEd ang mga mag-aaral para maging critical thinker at makasabay sa 21st century skills.

Kumikilos na rin ang DepEd para itama ito at ihanda ang bawat bata para sa mas matibay na kinabukasan.

Facebook Comments