![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/STUDENT.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na pinupunan na ng DepEd ang kakulangan sa school principals.
Ito ay matapos iulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na kalahati ng mga paaralan ng DepEd ay walang school principals.
Batay sa report ng EDCOM II, sa 45,199 na DepEd Schools sa bansa, 20,381 lamang nito ang may principals.
Nangangahulugan ito na 24,916 na mga paaralan ang walang principals.
Bukod dito, lumalabas din na 13,332 lamang na mga paaralan ang may head teachers, habang 8,916 ang may teachers in charge (TIC), at 2,337 ang may officers in charge (OIC).
193 naman na mga paaralan ang nasa klasipikasyon ng “undefined.”
Tiniyak naman ni DepEd Undersecretary Willie Cabral na may mga napipisil na silang teacher in charge na gagawing principal.