DepEd, tiniyak na palalakasin pa ang remote learning

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ginagamit na ng pamahalaan ang lahat ng paraan para matiyak na naipagpapatuloy ang edukasyon sa pamamagitan ng alternative learning delivery modalities.

Ito ay sa harap na mababang tiyansang pagbabalik ng face-to-face classes dahil pa rin sa banta ng pandemya.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, patuloy nilang palalakasin ang remote learning options para sa mga estudyante, lalo na sa basic education level.


Tiniyak ni Briones na nakahanda ang kagawaran sa lahat ng uri ng scenario para tiyaking maipagpapatuloy ng milyu-milyong estudyante ang kanilang pag-aaral sa harap ng pandemya.

Bago pa man ang pandemya, naglaan na ang gobyerno ng pondo para sa iba pang learning delivery modalities tulad ng pagbibigay ng radyo para sa mga estudyante sa remote areas.

Sinimulan din ng DepEd ang iba’t ibang inisyatibo para sa remote learning kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya.

Suportado rin ng DepEd ang digitalization ng edukasyon.

Facebook Comments