DepEd, tiniyak na patuloy na ihahatid ang basic education sa harap ng pandemya matapos makakuha ng mataas na approval rating

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na patuloy na ipupursige ang misyon nitong ihatid ang basic education sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos makakuha ang kagawaran ng mataas na approval ratings mula sa survey ng Pulse Asia nitong Setyembre, kung saan aabot sa 73% ang net approval nito habang si Education Secretary Leonor Briones ay nanguna sa mga Cabinet members na may 60% approval rating.

Ayon kay Briones, ipinapakita lamang sa survey na mas maraming Pilipino ang kumikilala sa commitment ng DepEd sa pagbibigay ng learning opportunities at pag-asa sa panahon ng krisis.


Gagamitin nila ang tiwala ng tao bilang motibasyon sa pagsusulong ng reporma sa basic education.

Nagpasalamat din ang kalihim sa mga guro, estudyante at mga partner sa kanilang suporta.

Facebook Comments