DepEd, tiniyak na reresolbahin ang mga mali sa Self-Learning Modules

Patuloy na nireresolba ng Department of Education (DepEd) ang ilang isyu sa Self-Learning Modules (SLMs) na ginagamit ng mga estudyante para sa kanilang distance learning set-up.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, pagtitiyak nilang dumadaan sa quality assurance ang mga learning modules.

Para mabantayan ang mga errors sa SLMs, sinabi ni San Antonio na inilunsad ang DepEd Error Watch para mabilis na makita ang mga errors.


Bilang bahagi rin ng mga hakbang para sa dekalidad na SLMs, ang Bureau of Learning Resources ng DepEd ay magsasagawa ng orientation para sa submission at evaluation ng SLMs para sa ikatlo at ika-apat na kwarter ng School Year (SY) 2020-2021.

Ang orientation ay isasagawa virtually at bukas sa mga interesadong publishers, book printers, individual authors at iba pang stakeholders sa publishing industry.

Samantala, sinabi naman ni Information and Communications Technology Service Director Abram Abanil, nakapagtala ang DepEd ng anim o pito mula sa higit 1,000 episodes na inere sa DepEd TV ang nagkaroon ng corrections.

Facebook Comments