DepEd, tiniyak na tatanggapin ang mga late enrollees

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na patuloy pa ring tatanggap ng late enrollees kahit magsisimula na ang klase sa October 5.

Ayon kay Education Undersecretary for Planning Jesus Mateo, ang mga hindi nakapag-enroll sa enrollment period mula June 1 hanggang July 15 ay maaari pa ring makapagrehistro para sa School Year 2020-2021.

Aniya, inatasan ang mga eskwelahan na tumanggap ng late enrollees hanggang Nobyembre.


“Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” sabi ni Mateo.

Ang mga late enrollees ay kailangang maghintay ng mga susunod na instructions mula sa mga guro o eskwelahan sa kung paano sila makakausad sa kanilang klase.

“Schools will have to assign them to sections and prepare their learning materials before starting. With this, parents and learners will have to wait for instructions from the adviser,” ani Mateo.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 8 series of 2020 o Guidelines on Enrollment for School Year 2020-2021 in the Context of the Public Health Emergency due to COVID-19, ang kagawaran ay nagpatutupad ng remote enrollment ngayong school year.

Ibig sabihin, hindi na kailangan ng mga magulang na pisikal na magtungo sa mga eskwelahan para i-enroll ang kanilang mga anak.

Sa halip, ang mga paaralan na ang direktang mag-aasikaso ng enrollment ng mga bata.

Nabatid na nagpatutupad ang DepEd ng iba’t ibang alternative learning delivery modalities sa harap ng public health crisis.

Facebook Comments