Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tatanggapin pa rin sa mga pampublikong paaralan ang mga mag-aaral na mag-e-enroll pa lamang bukas at sa mga susunod na araw.
Ayon kay Education Spokesman Atty. Michael Poa, inaasahan na rin nila na may mag-aaral na bukas pa lamang mag-e-enroll kasabay ng pagbubukas ng klase.
Sa ngayon, sa halos 22.7 million ang mga batang nakapagpatala sa mga pampublikong paaralan.
Pinakamarami sa enrollees ay mula sa Region 4-A na umaabot sa halos 3.5-M, pangalawa ang Region 3 na may halos 2.6-M at NCR na may halos 2.5-M.
Inaasahan naman ng DepEd na aabot sa halos 29-M na mga mag-aaral ang dadagsa ngayong school year sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Facebook Comments