DepEd, tiniyak na tutugunan ang kakulangan ng classroom sa darating ng pasukan

Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) para tugunan ang kakulangan ng classroom ngayong darating na pasukan.

Ito ang tiniyak ni DepEd Spokesman Atty. Michael Poa, bilang paghahanda ng kagawaran sa pagbabalik eskwela ngayong Agosto 22.

Ayon sa DepEd, ang mga pangunahing rehiyon na may malaking backlogs ng mga eskwelahan ay ang National Capital Region (NCR) at Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON).


Ilan sa mga inilatag na solusyon ng kagawaran ay ang pagtatayo ng “temporary learning areas” para magamit ng mga guro at estudyante.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga Local Government Unit at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para manghiram ng mga tent na maaaring magamit ngayon pasukan.

Facebook Comments