Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tutugunan nila ang mga inaasahang hamon at problema kasabay ng pagbubukas ng klase sa October 5.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, paulit-ulit na kinukuwestyon ng mga magulang ang kahandaan ng ahensya sa harap ng COVID-19 crisis.
Iginiit ni Briones na inasahan na nila ang pagkakaantala ng edukasyon ngayong school year dahil sa pandemya.
“The public, the parents have been raising questions and complaints [on school opening],” Briones said. “We have recognized these concerns, we have responded to these and we will continue to do so as other challenges emerge on Oct. 5,” sabi ni Briones.
Nanindigan ang DepEd na ang pag-urong sa October 5 ng opening of classes ay nagbigay sa kanila ng sapat na panahon para paghandaan ito.