Kumpiyansa ang Department of Education (DepEd) na mas marami ang mag-e-enroll ngayong nalalapit na school year sa harap ng pandemya.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pagtuloy na naghahanda para sa pagbubukas ng School Year (SY) 2021-2022.
Sa datos ng DepEd ngayong SY 2020-2021, aabot sa 26.6 million enrollees sa basic education level – public at private schools.
Sinabi ni Briones na hindi hihinto ang pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Tiwala rin si Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na matapatan o mahigitan pa ang bilang ng kasalukuyang enrollees.
Aniya, ang kasalukuyang enrollment ay higit 96-percent ng enrollment para sa SY 2019-2020, lalo na at matinding naapektuhan ang enrollment sa private schools.
Sa ngayon, ang DepEd ay nagsasagawa ng early registration para sa papasok sa Kinder, Grades 1, 7, at 11 mula March hanggang Mayo – at umabot na sa 4.5 million ang early registrants.