Makatatanggap na ng gadgets ang mga estudyanteng nangangailangan nito para sa kanilang distance learning set-up.
Ito ay matapos tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng higit 7,000 learning gadgets na ipamamahagi sa mga pampublikong paaralan na nahihirapan sa pagpapatupad ng distance o blended learning.
Nitong February 2, Ang Chinese Embassy sa Manila ay nag-donate ng 2,000 Huawei tablets sa DepEd bilang suporta sa mga Pilipinong mag-aaral.
Ayon sa DepEd, ang mga tablet ay nakatakdang ipamahagi sa mga remote schools at iba pang school community areas na nangangailangan ng learning gadgets.
Ang turn-over ceremony ay ginanap sa Malacañang sa pangunguna ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones, Chinese Ambassador Huang Xilian, Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Robert Eric Borje at Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Noong January 29, ang DepEd ay tumanggap ng e-learning ng gadget donations mula sa Bureau of Customs (BOC), kabuuang 5,038 learning gadgets ang nai-turn-over bilang bahagi ng whole-of-government approach para tulungan ang mga mag-aaral.