Tutol si Education Secretary Leonor Briones sa hindi pagkakaroon ng graduation rites dahil sa banta ng COVID-19.
Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Briones na minsan lang dumating ang graduation sa buhay ng isang estudyante at ito rin ang pinaka hihintay na sandali ng mga magulang.
Para kay Briones, ipatupad lamang ang lahat ng health & safety protocols para makaiwas sa posibleng pagkalat ng COVID-19.
Samantala maglalabas naman ng clarificatory statement ang Department of Tourism o DOT hinggil sa pagbabawal na dumalo ng publiko sa alinmang public gatherings and festivals.
Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Tourism Undersecretary Art Boncato, na maaari namang lumahok ang publiko sa mass gatherings basta’t kinakailangan lamang ipatupad ang lahat ng safety measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Matatandaang sa February 7 advisory ng Department of Health o DOH sinabi ditong umiwas muna hanggat maaari sa anumang public events.