DepEd, tututukan ang pagpatay sa isang estudyante sa Davao Del Sur

Davao Del Sur – Mariing kinukundena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa estudyante ng Kimlawis National High School sa Davao del Sur ng mga armadong kalalakihan.

Ayon sa DepEd, base sa report sa kanila ng pulisya pauwi na ang biktimang si Jimbo Lingkanay, 16 y/o kasama ang 5 pang estudyante sakay ng truck mula sa isang school activity nuong October 29 nang bigla silang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Kinumpirma naman ng prinsipal ng Kimlawis National High School na si Felix Calipsan na sugatan naman ang 5 nilang estudyante dahil sa insidente.


Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay ang ahensya sa naulilang pamilya ng estudyante at nangakong tututukan ang kaso nito upang makamit ang hustisya.

Facebook Comments