DepEd TV at DepEd Radio, planong gawing pangmatagalan 

COURTESY: DEPED TAYO FB

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) na gawing long-term strategy ang pagpapatupad ng “DepEd TV” at “DepEd Radio.” 

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, ang pagtuturo sa pamamagitan ng telebisyon at radyo ay patuloy na gagamitin para maresolba ang mga problemang dulot ng mga kalamidad at classroom congestion. 

Ang paghihigpit sa face-to-face classes dulot ng COVID-19 pandemic ang nagtulak sa DepEd na ipatupad ang alternative learning delivery modalities para sa School Year 2020-2021. 


Para matiyak na magiging matagumpay ang paggamit ng DepEd TV at DepEd Radio sa hinaharap, sinabi ni Pascua na kailangan ng kagawaran na mag-invest sa pagbuo ng pool ng teacher broadcasters at production personnel para makagawa ng 220 episodes kada linggo. 

Kailangan ding gumawa ng mga studio sa lahat ng rehiyon sa bansa maging radio stations o transmitters sa lahat ng eskwelahan. 

Mahalaga rin ang pagtatag ng 6-channel digital television infrastructure na sakop ang buong Pilipinas. 

Facebook Comments