
Umabot na sa 1,981 episodes ang nagawa ng television-based instruction initiative ng Department of Education (DepEd).
Ito ang naitala para sa DepEd TV mula 1st Quarter hanggang 3rd Quarter ng School Year (SY) 2020-2021.
Ayon kay Information and Communications Technology Service (ICTS) Director Abram Abanil, patuloy na pinaiigting ng DepEd ang paggawa ng mga bagong episodes para masakop ang lahat ng learning competencies sa bawat school subject sa basic education curriculum.
Marami ring napagtagumpayan ang DepEd TV team tulad ng broadcaster training progam.
Aabot naman sa 200 teacher-broadcasters ang sinanay para sa DepEd TV habang nakapaggawa ng nasa 640 ang fully edited, mastered at formatted broadcast TV lessons.
Nakapaggawa rin ng 25 audio video lessons sa tulong ng mga broadcast veterans.
Patuloy na magsusulong ang DepEd ng official learning platforms para sa blended learning mula March hanggang June 2021 – kabilang na rito ang ETulay, DepEd Commons at DepEd Tayo.
Ang DepEd TV ay umeere sa 15 TV, radio at cable operators sa buong bansa.
Maaari ding napanood ito sa DepEd TV at DepEd Philippines Facebook pages.









