Positibo ang pamunuan ng Department of Education o DepEd na kakatigan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Batangas Provincial Government ang kanilang apila na huwag na sanang gawing evacuation center ang mga paaralan sa Batangas at kalapit bayan.
Matatandaan na una ng sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na batid nilang mahalagang makabalik agad sa pag-aaral ang mga estudyante sa kabila ng epekto ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Aminado rin si Año na alinsunod sa mga panuntunan hanggang dalawang linggo lang maaaring gamitin ang evacuation center ang mga paaralan.
Pero halos dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang mag-alburuto ang Taal ay ginagamit pa rin ang mga paaralan kaya at naantala ang pasok ng mga estudyante.
Paliwanag ng kalihim na kung wala talaga silang mahahanap na maaaring malipatan, makikiusap sila sa DepEd na palawigin pa ang paggamit ng mga evacuees sa mga eskwelahan na lubhang naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Sa tala ng DepEd mahigit pitunlibong paaralan na ang apektado dahil karamihan dito ay ginagamit bilang evacuation center.