DepEd, umapela sa mga awtoridad na habulin ang suspek sa pagpatay sa Grade 8 learner sa Batangas

Hiniling ng Education Department sa mga awtoridad na habulin at papanagutin sa batas ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa trese anyos na Grade 8 learner mula sa Agoncillo, Batangas.

Ayon sa Department of Education (DepEd), walang puwang sa komunidad ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen lalo na sa mga bata.

Nanindigan din ang DepEd sa commitment nito sa pagbibigay ng seguridad at ligtas na kapaligiran para sa mga bata.


Ang biktimang babaeng estudyante ay papasok sa paaralan kasama ang kanyang kapatid at ilang kaanak nang barilin ito nang malapitan ng suspek.

Sinasabing wala namang kaaway ang pamilya ng biktima.

Facebook Comments