DepEd, umapela sa publiko na magsagawa ng fact-checking bago punahin ang module errors

Umapela ang Department of Education (DepEd) sa publiko na magsagawa muna ng fact-check sa mga maling makikita sa learning materials o modules bago punahin ang kagawaran.

Sa statement, sinabi ng DepEd na mayroong mga insidente na binabatikos na ang ahensya dahil sa mga error sa modules, pero lumalabas na ilan sa mga gawa nito ay mula sa mga sumasabotahe.

Importanteng kumpirmahin ang module errors sa concerned DepEd Field Offices.


Nanindigan din ang DepEd na nananatili silang institusyon na may mandatong ihatid ang dekalidad, patas, culture-based, at kumpletong basic education, values at pagsusulong ng sining at kultura.

Facebook Comments