Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Education (DepEd) Undersecretary Administration Alain Pascua.
Ayon kay Pascua, kahapon, Disyembre 10 nang lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19.
Aniya, bilang government official kailangang ipaalam niya sa publiko ang kaniyang sitwasyon.
Paliwanag ni Pascua, una na siyang na-expose sa isang COVID-19 positive noong Biyernes, Disyembre 4 at nagsimulang makaranas ng mild symptoms noong Martes.
Sa ngayon, nasa isang ospital na si Pascua at sumasailalim sa quarantine procedures at medical observation.
Inabisuhan na rin niya ang kaniyang mga staff na nagkaroon ng close contact sa kaniya na mag-self quarantine.
Facebook Comments