Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na wala pa silang desisyon hinggil sa pagsasagawa ng mass testing kasabay ng pagbubukas ng klase sa Agosto.
Ayon kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, bagamat mayroong testing protocol o component na bahagi ng Health Standards ng kagawaran, kailangan pa ring pag-aralang mabuti ang mass testing.
Para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 infection, isinama ng DepEd sa kanilang Health Standards ang ‘testing protocol’ sa tulong ng Local Government Units (LGUs) at local health partners.
Mayroon ding internal contact tracing at pre-agreed referral system para sa mga symptomatic patients.
Nais din ng DepEd na matiyak ang availability ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa emergency situations at para sa management ng quarantine facilities.
Bukod dito, bahagi rin ng DepEd Health Standards ang pagtaas ng physical at mental resilience sa mga mag-aaral at mga school personnel, health education and nutrition advocacy, mental health interventions, pagbibigay ng vitamins at mineral supplements, at pagsuporta sa mga guro at iba pang school personnel.
Magpapatupad din ang kagawaran ng school readiness standards, tulad ng respiratory at Hand Hygiene sa mga eskwelahan at physical distancing.