DepEd, walang control sa tuition fee adjustment ng private schools dahil sa ‘new normal’ ng education system sa bansa

Iginiit ni Department of Education (DepEd) Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na hindi hawak ng kanilang ahenysa ang desisyon kung kailangan bang magkaroon ng tuition fee adjustment ang mga pribadong paaralan sa bansa dahil sa ‘new normal’ na ipapatupad sa education system sa bansa.

Ayon kay San Antonio, ang mga private school sa bansa ay may awtonomiya sa kanilang mga patakaran na ipinatutupad.

Suhestyon niya sa mga magulang na makipag-ugnayan sa administrasyon ng pribadong paaralan kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak.


Ito aniya ay dapat pagdesisyunan ng private school owners at mga magulang kung anong adjustments sa tuition fee ang kanilang gagawin.

Dahil aniya ang mga may-ari lang ng mga pribadong paaralan ang may karapatang magbigay kung magkano ang isisingil nito sa kanilang mag-aaral.

Matatandaan, inihayag ng DepEd, sa pagbubukas ng klase sa School Year 2020-2021 ay hindi na 100% na papasok ang mga bata sa paaralan, matapos ihayag ng kagawaran ang bagong pamamaraan ng pagtuturo habang umiiral ang banta ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa bansa.

Facebook Comments