Inihayag ng Department of Education (DepEd) na wala silang naitalang COVID-19 infection sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Ayon kay Education Dir. Roger Masapol, naging maayos at walang mga estudyante o guro na tinamaan ng COVID-19 sa halos 300 paaralan na nakiisa sa pilot implementation ng face-to-face classes sa nagdaang tatlong linggo.
Tanging may isang paaralan lang aniya sa Zambales ang naka-lockdown dahil sa mga gurong nagpositibo sa COVID sa antigen test pero bago pa man nagsimulan ang face-to-face classes noong Nobyembre 15.
Batay sa DepEd sa magkakasunod na linggo, nasa 82 percent, 83 percent, at 82 percent ang kanilang attendance rate.
Facebook Comments