DepEd, walang planong ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante

Walang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante.

Sabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, maaari namang magpasya ang mga pamunuan ng eskwelahan na suspendihin ang in-person classes at magpatupad muna ng blended learning kung sa tingin nila ay nakaaapekto sa pag-aaral ng mga bata ang kapaligiran at ang matinding init ng panahon.

Matatandaang hinikayat ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Sherwin Gatchalian ang DepEd na ibalik ang April-May summer vacation matapos na maospital ang mahigit 100 mag-aaral sa Cabuyao City, Laguna na lumahok sa surprise fire drill.


Hinimatay ang mga estudyante dahil sa gutom at dehydration.

Mainam din aniya na Abril-Mayo ang bakasyon dahil tuwing summer ginaganap ang eleksyon at hindi tatamaring lumabas ang mga tao para bumoto.

Bukod diyan, mas ma-eenjoy ng mga estudyante ang bakasyon kasama ang kanilang pamilya kapag summer kaysa tag-ulan.

Facebook Comments