Hindi pumasa kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang depensa ng Department of Health (DOH) kaugnay sa umano’y overpriced na pagbili ng ambulance na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos kada unit.
Unang isiniwalat ni Lacson na ang kaparehong ambulansya ay nabili ng Local Government Units (LGU) sa halagang 1.5 hanggang 1.6 million pesos lamang.
Hindi kumbinsido si Lacson sa paliwanag ng DOH na mas lamang sa kagamitan ang ambulansyang binili nito kumpara sa mga binili ng LGUs.
Tiniyak ni Lacson na maglalabas siya ng mga katibayan na totoong overpriced ang ambulansyang binili ng DOH sa pagpapatuloy ng pagdinig bukas ng Senate Blue Ribbon Committee ukol naman sa overpriced na face shields, PPE at face masks.
Sabi ni Lacson, sa mga ipiprisinta niyang dokumento ay mapapatunayan na ang specifications at itsura ng mga ambulansya na binili ng DOH ay walang pinagkaiba sa binili ng ilang lokal na pamahalaan sa mababang presyo.