“Aubrey Miles, dinipensahan ang nude photos nila ni KC Montero”

88

Depensa ni Aubrey Miles at KC Montero sa nude photos nila mula sa bakasyon nila sa Palawan

Usap-usapan ang kumakalat na nude photos ni Aubrey Miles at Troy Montero noong nag bakasyon sila sa isla ng Coron, Palawan.

May mga netizens na sa tingin nila ay okay lang naman ang Instagram post ng mag partner at may mga ilan din na sa tingin nila ay hindi na dapat pinpost ang mga ganong klaseng litrato.

Depensa naman ni Aubrey na “Well, because we can.” sabi din ni Aubrey na “We’re old enough for an adult na kung ano ang gusto namin i-post, at saka we actually do this every time we travel.”

Kasama sa bakasyon ng mag partner ang nakakabatang kapatid ni Troy na si KC Montero na nag post din ng isang edited “humorous” video na tila nagpapakita ng pagkontra sa mag partner. Ani ni KC sa caption ng post na “Mom, please scold your son”. Sa bakasyon nila ay kasama din nila sa bakasayon nila ang ina nina KC at Troy.

Sinabi din ni Troy na walang ibang tao sa lugar tuwing ginagawa daw nila yun at katuwiran din ni Aubrey na “Wala namang bawal na unless binastos mo yung tao dito or na may mga ibang tao”.

Facebook Comments