DEPLOYABLE RESPONSE TEAM NG CGDNELZN, PATULOY PA RIN ANG KAHANDAAN

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang kahandaan ng Deployable Response Teams ng Coast Guard District North Eastern Luzon para sa mga posibleng banta ng bagyong “Carina”.

Kabilang sa kanilang kahandaan ay ang kasiguraduhang maayos at fully operational ang kanilang mga search and rescue gears at rescue boats.

Kaugnay nito ay naglabas din ang Coast Guard District North Eastern Luzon ng mga numerong maaaring tawagan sa oras ng sakuna.


Nagpaalala naman si Coast Guard Captain Ludovico D. Librilla Jr. na maging maingat at sundin ang mga nararapat na protocols tuwing may bagyo.

Facebook Comments