DEPLOYMENT BAN | DFA, itinaas sa alert level 3 ang sitwasyon sa Libya

Manila, Philippines – Hindi muna magpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Libya matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang sitwasyon doon kasunod ng mga insidente ng kaguluhan at pagdukot sa mga Pinoy.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, awtomatikong ipinatutupad ang deployment ban sa isang bansa kapag isinailalim ng DFA ang sitwasyon sa alert level 3.

Itinaas ng DFA sa alert level sa Libya dahil sa nangyayaring kaguluhan doon at mga insidente ng pagdukot sa mga Pinoy.


Noong nakaraang Agosto, kabilang ang tatlong Pinoy sa mga dayuhang manggagawa na dinukot ng mga armadong lalaki sa Libya.

Facebook Comments