DEPLOYMENT BAN | Mga Pilipinong skilled workers, posible na muling ipadala sa Kuwait – DOLE

Manila, philippines – Plano ni Labor Secretary Silvestre Bello III na
alisin na ang mga skilled worker mula sa listahan ng mga manggagawang
ipinagbabawal na ipadala sa Kuwait.

Pero ayon kay Bello, depende ito kung matutuloy ang pirmahan ng Kuwait at
Pilipinas sa Memorandum of Understanding (MOU) sa April 7 o 8 na magbibigay
ng proteksyon sa Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa pang-aabuso.

Aniya, hiniling ng mga opisyal ng Kuwait na sa bansa nila gawin ang
pirmahan dahil sa Pilipinas na idinaos ang pagbabalangkas sa MOU.


Kabilang sa mga panuntunang napagkasunduan ng dalawang bansa na isama sa
draft MOU noong nakaraang linggo ay ang hindi pagbigay ng mga OFW ng
kanilang mga pasaporte sa mga amo.

Sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy Class of 2018,
binanggit naman ni Pangulong Rdorigo Duterte ang kaniyang mga naging
kondisyon para sa mou.

Nangako naman ang pamahalaan na tutulungan sa renewal ng visa at paghanap
ng bagong trabaho ang mga OFW na naapektuhan ng deployment ban.

Facebook Comments