Deployment ban ng healthcare workers, mananatili – Malacañang

Nanindigan ang Malacañang na hindi pa rin babawiin ang overseas deployment ban para sa mga healthcare worker.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang pagpigil sa mga doctor, nurses at iba pang medical professionals na magtrabaho abroad ay unconstitutional.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili pa rin ang deployment ban sa kabila ng pagkontra ni Locsin.


Ipinatupad aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ban para maprotektahan ang kalusugan at buhay ng bawat Filipino healthcare workers at mapalakas ang manpower sa bansa sa gitna ng pandemya.

Ang mga tanging papayagang lumabas ng bansa ay ang mga healthcare worker na mayroong overseas employment certificates at verified work contracts mula nitong March 8, 2020.

Kasama rin sa exemption ang mga healthcare workers na nagbabakasyon sa Pilipinas at mayroong job contracts sa ibang bansa.

Facebook Comments