Iginiit ng Malakanyang na aalisin lang ng pamahalaan ang overseas deployment ban sa bagong hire na healthcare workers kapag bumuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa ibang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, aalisin lang ang ban depende sa banta ng COVID-19 sa mga bansang kanilang pupuntahan.
Sa kasalukuyan, tanging ang healthcare workers na pumirma sa employment contracts hanggang marso 8 ang tanging papayagang umalis ng bansa.
Gayunman, kailangang lumagda ang mga aalis na health care worker ng declaration na batid nila ang mga panganib ng pagbiyahe sa ibang bansa.
Hindi rin kasama sa ban ang bumabalik na healthcare workers na mayroong overseas employment certificate (OEC) exemption certificates.
Facebook Comments