Deployment ban ng mga nurse abroad, mananatili ayon sa DOLE

Mananatili ang ban sa pagpapadala ng mga nurse sa abroad sa kabila ng pagpapagaan ng restrictions.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang deployment ban ay alinsunod sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para tiyaking naaabot ang healthcare requirements ng bansa.

Nagbabala naman ang kalihim sa publiko na ang anumang deployment ng mga nurse, maliban na lamang kung may pahintulot mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay iligal.


Nabatid na nagpatupad ang POEA ng deployment ban sa ilang piling health workers para mapalakas ang healthcare capacity ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang healthcare workers na mayroong pinirmahang kontrata mula noong March 8, 2020 ay maaaring makalabas ng bansa.

Facebook Comments