Deployment ban ng mga OFW sa Libya, inalis na

Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban ng mga Pilipinong nais makabalik sa kanilang mga trabaho sa Libya.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang desisyon ay bunsod ng pagpapababa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at National Security Council sa crisis alert level sa Libya mula sa level 3 o voluntary repatriation phase sa level 2 o restriction phase.

Ang ban ay ipinatupad nitong Setyembre matapos itaas ng DFA sa alert level 3 dahil sa mataas na insidente ng kidnapping sa mga OFW doon.


Nilinaw ng POEA na hindi sakop ng lifting ng deployment ban ang mga newly hired workers at seafarers, applicable lamang ito sa mga manggagawang may naiwang trabaho sa Libya.

Facebook Comments