Deployment ban ng mga OFW sa Qatar, tinanggal na ng Labor Department

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sakop ng kanilang deployment ban ang mga OFW na dati nang pumupunta sa Qatar.

Ito’y kasabay ng pagputol ng ilang Arab countries ng kanilang diplomatic relations sa Qatar.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello – walang banta sa kaligtasan ng mahigit 200-libong Pilipinong nandoon.


Sinabi rin ni Bello – pinayagan na rin nilang makabalik sa Qatar ang nasa 300 OFW.

Pero paglilinaw ng kalihim – hindi papahintulutang ang mga unang beses pa lamang na pupunta sa Qatar.
DZXL558

Facebook Comments