Deployment ban ng mga OFWs sa Qatar, itinuturing na premature pa

Manila, Philippines – Tinawag na premature ni ACTS OFW PL Rep. Aniceto John Bertiz ang suspensyon ng Department of Labor and Employment sa pagdedeploy ng mga OFWs sa Qatar.

Ang naturang suspensyon ng deployment ng mga OFWs sa Qatar ay bunsod na rin ng pagkalas sa diplomatic ties ng Saudi Arabia, Egypt, UAE at Bahrain sa nasabing bansa dahil sa napapabalitang pagbibigay suporta sa terorismo.

Giit ni Bertiz, dapat na i-assess muna ng Department of Foreign Affairs at ng DOLE ang sitwasyon sa Qatar bago maglabas ng abiso na inihihinto ang pagpapadala ng mga OFWs.


Sa ngayon aniya ay wala pa siyang natatanggap na mga panawagan mula sa mga OFWs sa Qatar na nais nilang ma-repatriate dahil sa krisis na kinakaharap.

Kumunsulta din siya sa mga workers sa Qatar at sa ngayon ay determinado ang mga ito na ipagpatuloy ang trabaho sa nasabing bansa.

Hiniling din ni Bertiz sa POEA na magpadala ng team na kukunsulta sa mga foreign employers at mga recruitment agencies ng Qatar na nakabase sa bansa para alamin ang posisyon sa temporary ban sa deployment ng mga OFWs.
DZXL558

Facebook Comments