Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na inalis na ng Pilipinas ang total deployment ban nito laban sa Micronesia.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Philippine Consulate General sa Agana (Guam, USA) na tumalima na ang Federated States of Micronesia sa hirit na proteksyon sa karapatan ng mga dayuhang manggagawa.
Ayon sa embahada, nagkaroon din ng ratipikasyon sa labor at social laws ng Micronesia para sa proteksyon ng migrant workers.
Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na mayroon nang bilateral labor agreement ang Pilipinas at Micronesia para sa karapatan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Una nang nagpatupad ang Pilipinas ng total deployment bansa sa Micronesia dahil sa kaso ng mga pag-abuso at pagmaltrato sa OFWs doon.