Deployment ban sa Hong Kong, tinutulan ng OFW advocate

Hindi pabor ang OFW advocate na si Susan Ople sa pinalulutang na deployment ban sa Hong Kong.

Ito ay sa harap ng nagpapatuloy na tensyon sa Hong Kong dahil sa kaliwa’t kanan na kilos protesta laban sa gobyerno doon.

Ayon kay Ople, wag deployment ban sa halip dapat ipaintindi sa mga OFW ang mga dapat at hindi dapat gawin para hindi madamay sa kaguluhan.


Halimbawa nalang ang pagsusuot ng itim o puting damit at pag iwas sa mga lugar na may kilos protesta.

Dapat makipag-ugnayan din ang POEA sa mga agency na napapadala ng OFW sa Hong Kong kung paano magiging ligtas at mapapag-ingat ang mga Pilipino sa Hong Kong.

Sa ngayon, may mga pamilya na umaasa at may mga bakasyonista na posibleng maapekto kung padalos-dalos ang desisyon lalo’t di pa tiyak kung kailan matatapos ang kaguluhan sa Hong Kong.

Facebook Comments