Deployment ban sa mga OFW na pupuntang Qatar, inalis na ng DOLE

Manila, Philippines – Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban na ipinataw sa mga Overseas Filipino WorkerS na pupuntang Qatar.

Kasunod na rin ito ng ginawang konsultasyon sa Department of Foreign Affairs at rekomendasyon na rin ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Ang pagbawi sa deployment ban ay inanunsyo matapos magsagawa ng assessment kung saan napatunayang normal naman ang sitwasyon sa Qatar sa kabila ng diplomatic crisis sa Middle East.


Kasabay nito ay tiniyak ng Qatari government ang kaligtasan ng 240,000 OFWs sa Qatar.

Facebook Comments