Papayagan na ng gobyerno na makaalis ang mga Pinoy health workers para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ito ay kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang ipinatutupad na deployment ban.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pinayagan na ng gobyerno ang pag-alis ng health workers kagaya ng mga nurse dahil bumababa na naman ang naiitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.
Pero paglilinaw ni Bello, nasa 5,000 health workers lamang ang papahintulutang magtrabaho sa ibang bansa bawat taon.
Aniya, ito ay para masigurong mayroon pa rin tayong sapat na bilang ng health workers sa pilipinas.
Samantala, ayon pa kay Bello, ilan sa mga bansang nangangailangan ng mga pilipinong nurse ay ang Germany, Italy at United Kingdom.
Facebook Comments