Deployment ng AstraZeneca at Pfizer vaccines sa iba’t ibang LGUs, halos malapit nang matapos

Nasa 82% o 1.6 milyong doses na ng higit 2 milyong doses ng AstraZeneca ang nai-deploy sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje ng National Vaccination Operations Center na meron pang 361-libong doses ng AstraZeneca ang naghihintay ngayon ng mga flight para madala na sa iba pang mga rehiyon.

Sa Pfizer naman ay 84-libong doses na ang nai-deploy mula sa 193,050 doses.


Ayon kay Cabotaje, tuloy-tuloy lang ang deployment nila ng Pfizer at ibibigay sa iba pang mga lunsod sa National Capital Region (NCR).

Una nang binigyan kahapon ang Cebu at Davao regions.

Facebook Comments