Nagbabadyang maantala ang deployment ng Filipino nurses sa United Kingdom matapos isama ang Pilipinas sa “Red List.”
Ang nasabing listahan ay ang mga bansang pinatawan ng travel ban papasok ng UK para mapigilan ang pagpasok ng bagong variants ng COVID-19.
Hinimok ni labor at migration consultant Emmanuel Geslani ang mga kaukulang Philippine government agencies na iproseso ang mga dokumento ng mga nurses kahit ipatupad ng UK ang travel ban sa April 9, 2021.
Pero hindi pa malinaw kung ilang Filipino nurses na ang naisyuhan ng work permits at visa.
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking supplier ng foreign nurses sa UK, mayroong 35,000 Filipino healthcare workers na nagtatrabaho sa British National Health System at daan-daang iba pa sa Scotland at Ireland.