Deployment ng mga COVID-19 vaccines, dapat noon pa pinaghandaan bago dumating ang bakuna – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat pinaghandaan na ang deployment ng mga COVID-19 vaccines maging ang pagdadusan nito bago pa man ito dumating sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni, sinabi ni Robredo na nakita niya ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan ngayon pa lamang ito naghahanap ng mga eskwelahan at covered courts para gawing vaccination centers.

Ayon kay Robredo, taliwas ito sa unang pahayag ng Department of Health (DOH) na ’10 steps ahead’ na sila sa paghahanda sa paggulong ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.


Dagdag pa ni Robredo, 30,000 lamang kada linggo ang bilang ng mga Pilipinong nababakunahan kaya’t posibleng matagalan pa bago maabot ng bansa ang target nito ngayong taon na 70 million na mga Pilipino.

Facebook Comments