Deployment ng mga makina at balota na gagamitin sa halalan sa Mayo, uumpisahan sa April 4

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa April 4 ang deployment ng mga automated counting machines o ACMs at official ballots na gagamitin sa midterm elections sa Mayo.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ipapadala na agad ang mahigit 110,000 na ACM at ang mga balota upang matiyak na nasa bawat lugar na ito isang linggo bago ang araw ng halalan.

Sasailalim pa kasi ito sa final testing at sealing mula sa Mayo 6.


Unang ipadadala ang mga balota sa mga malalayong lugar gaya ng Bangsamoro, Caraga at Batanes.

Sa ngayon, nasa 47,000 mula sa 110,000 na makina ang sumailalim na sa pre-election logic and accuracy tests at target tapusin ang natitira hanggang sa April 20.

Facebook Comments