Muling magpapadala ang pamahalaan ng panibagong batch ng mga medical healthcare workers sa ibang bansa sa susunod na taon.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na ito ay dahil sa panibago nanamang 6,500 na ceiling para sa deployment ng mga medical healthworkers sa taong 2022.
Sa ngayon kasi ay itinigil na ng gobyerno ang deployment ng mga medical healthcare workers sa ibang mga bansa dahil naabot na ang 6,500 na cap o ceiling na itinakda ng pamahalaan.
Iiral aniya ang suspensyon sa pagpapadala ng mga health workers hanggang December 31, 2021.
Samantala, tuloy-tuloy naman aniya ang deployment ng healthcare workers sa ibang mga bansang mayroon tayong bilateral labor agreements.
Kabilang dito ang Kingdom of Saudi Arabia, Germany, at Japan.